Sunday, November 15, 2009

Reunion Thoughts...


SJA IV-Courage Sembreak GetTogether

November 6, 2009 @ our house
[not present in the picture: Lesmer and Renz]


Andami palang nagbago sa amin mula nung HS, andaming bagong pangyayari sa loob ng apat na taon sa aming sari-sariling pakikipagsapalaran sa kanya-kanyang buhay sa iba't-ibang unibersidad. May ilang pumayat, may ilang tumaba, may ilan na nagbago ng itsura at may ilan din naman na ganun pa din ang kinasanayang gawin.

Gaya ko, may iilan din palang nagshift at may iilang maddelay sa graduation. At yung mga hindi ineexpect na maddelay nung HS yun pa ang mga maddelay. Siguro dahil hindi rin naman namin inexpect na magiging mahirap din ang papasukan naming mga unibersidad.

Hindi ko alam pero sa tuwing napapagusapan ang Graduation, para bang handa na akong depensahan ang sarili ko at maging confident pa na isagaw na "oo maddelay ako!", napapagisip tuloy ako, pero naisip ko ang lagi kong sinasabi, at least alam ko sa sarili ko na hindi ako nagshortcut sa buhay, mas lamang na ako sa dami ng pinagdaanan ko.

Ginagawa ko nalang siyang biro, pero di ko maiwasang pagisipan na dapat ngayong darating na March, graduate na dapat ako. buti na lang at 2007 ang start ng student ID ko at bata pa ako. Gaya nga ng sabi ng mama ko, "ok lang yan, bata ka pa naman!" kung tutuusin dapat 19years old palang ako graduate na ako. pero sa mangyayari sa akin 21 na ako sa graduation, by which is the normal age. Pero sayang pa din. Sigh.

Nakakatuwa at iba't iba sa amin ay may kanya-kanyang baong kwento, unang naguusap ang mga magkakasama. Pagdating ko nga, kinausap ako agad ni Lesmer at nagusap tungkol sa buhay-buhay sa student leader sa Tan Yan Kee building ng USTe.
Hindi ako makapaniwala na maga-apat na taon na pala ang lumipas since makagraduate kami ng HS, at humandang humarap sa panibagong hamon ng kolehiyo.

Sana magkitakita ulit kami bago magGraduation ng iba, mahirap na at baka hindi na kami magkasama-sama ulit.

Nakakatuwa. Nakakamiss. :D





No comments:

Post a Comment