Sunday, November 29, 2009

2nd Semester 2009-2010


Ako nagayos ng schedule ko pero ewan ko ba kung bakit parang may ginawa akong pattern. Haha.


HST101: History of Western Civilization - Assoc. Prof. Carlito Dalangin

ECO8: Econometrics - Dr. Alvin Ang

RESM/PW: Research Methods and Proposal Writing - Prof. Narita Ellar

CWG: Contemporary World Geography - Ms. Analiza Yanga

POL221:
Dynamics of Philippine Politics
- Dr. Lysander Padilla

FIL3:
Retorika
- Prof. Milagros Aquino

SPN2: Intermediate Spanish - Señorita Vanessa



Sa wakas may 3rd year Major na din ako, though my and my other shifter colleagues were not able to take the pre-requisite (Eco7: Statistics for Economists), still kakayanin namin to, having a background in Basic Statistics.

Its also a first for me to experience the dreaded "3-Hour, once a week" AB Schedule. So we only have 11-13 meetings, and we are given max of 3 absences, otherwise we'll incur a failure due to absence. Unlike our 3times a week schedule, which I find comfortable and flexible.

Wala pa rin naman nagbago with the section choices, ganun pa din. Sabog. I have 7 sections in 5 majors (Economics, Legal Management, Communication Arts, Philosophy, Behavioral Science), Full Irregular student ulit ako. haha!

Goodluck! :D

Sunday, November 22, 2009

The White Sheep

Kada isang pamilya ay sinasabing may black sheep, heck in our case, may white sheep.


I'm not bragging for being such, pero its how i feel. its not even the exact opposite, dahil kahit sabihin na hindi ako yung nagiging masama, pero still i'm being punished or being discriminated for being the good guy.

I feel bad, lalo na ngayon na our family is facing a problem, a big problem. My dad is having a serious health problem at the age of 62, sana maging ok na siya. Nagulat lang ako sa sinabi ng tita ko kanina na "alagaan niyo, baka mamaya makita niyo patay na yang daddy niyo", to think na yung tita ko is 80+ na, kaya medyo nakakatakot. bothered pa rin ako.

Kanina ko lang narealize na gusto ko nang gumraduate, that even at least kung sakali mang mawala na ang daddy ko *knocks on wood* eh maabutan man lang niya yung graduation ko, that even one of his sons would allow him to be proud just even for that moment. Alam ko na sobrang taas ng expectations niya sa akin, being the youngest, lahat ng burden ng parents ko sa mga kuya ko ay naipon sa akin, graduation, having a job, and all.

Sobrang deviant ko sa family, thinking na ako ang nagmumukhang white sheep of the black sheeps, i don't blame my brothers for such, pero nagmumukhang ako pa ang mali at sila ang tama, by which kinasasama ng loob ko. Mali ang pagsali ko sa orgs, mali para sa kanila na magpakaactive ako sa school at mag-aral ako ng matino. Masama for them na magstarbucks ako at doon mag-aral at iba pa. Kaya even my parents wouldn't allow me to have stuffs na hinihingi ko sa kanila, lalo na't malaki ang age gap namin ng parents ko. My dad is 62, my mom is 59, and 19 lang ako.

Of all sons, ako yung tinatawagan parati ng parents ko, ako lang ung pag 11PM wala pa sa bahay, tinatawagan na. I mean at my brothers' time, hindi nila to naranasan, sa akin sobra sila, eh ako nga yung tipong hindi maglalasing ng sobra at maglalayas ng ilang araw.

Sila na ang tama. Ako na ang mali. I just needed their support, kaya siguro ako pinanghinaan at nauwi sa ganito ang sitwasyon ko. Hindi naman ako humihiling ng sobrang laking bagay from them, pero hindi pa din nila ako sinusuportahan even in simple things. sigh.


But still I'll do my best, kahit without much of their support and that before things get worse, I'll be able to make them proud. :)



Sunday, November 15, 2009

Reunion Thoughts...


SJA IV-Courage Sembreak GetTogether

November 6, 2009 @ our house
[not present in the picture: Lesmer and Renz]


Andami palang nagbago sa amin mula nung HS, andaming bagong pangyayari sa loob ng apat na taon sa aming sari-sariling pakikipagsapalaran sa kanya-kanyang buhay sa iba't-ibang unibersidad. May ilang pumayat, may ilang tumaba, may ilan na nagbago ng itsura at may ilan din naman na ganun pa din ang kinasanayang gawin.

Gaya ko, may iilan din palang nagshift at may iilang maddelay sa graduation. At yung mga hindi ineexpect na maddelay nung HS yun pa ang mga maddelay. Siguro dahil hindi rin naman namin inexpect na magiging mahirap din ang papasukan naming mga unibersidad.

Hindi ko alam pero sa tuwing napapagusapan ang Graduation, para bang handa na akong depensahan ang sarili ko at maging confident pa na isagaw na "oo maddelay ako!", napapagisip tuloy ako, pero naisip ko ang lagi kong sinasabi, at least alam ko sa sarili ko na hindi ako nagshortcut sa buhay, mas lamang na ako sa dami ng pinagdaanan ko.

Ginagawa ko nalang siyang biro, pero di ko maiwasang pagisipan na dapat ngayong darating na March, graduate na dapat ako. buti na lang at 2007 ang start ng student ID ko at bata pa ako. Gaya nga ng sabi ng mama ko, "ok lang yan, bata ka pa naman!" kung tutuusin dapat 19years old palang ako graduate na ako. pero sa mangyayari sa akin 21 na ako sa graduation, by which is the normal age. Pero sayang pa din. Sigh.

Nakakatuwa at iba't iba sa amin ay may kanya-kanyang baong kwento, unang naguusap ang mga magkakasama. Pagdating ko nga, kinausap ako agad ni Lesmer at nagusap tungkol sa buhay-buhay sa student leader sa Tan Yan Kee building ng USTe.
Hindi ako makapaniwala na maga-apat na taon na pala ang lumipas since makagraduate kami ng HS, at humandang humarap sa panibagong hamon ng kolehiyo.

Sana magkitakita ulit kami bago magGraduation ng iba, mahirap na at baka hindi na kami magkasama-sama ulit.

Nakakatuwa. Nakakamiss. :D