
Thursday, March 25, 2010
shooting stars. hitting the moon.

Tuesday, March 16, 2010
on being delayed...
sigh. oo ako na ang hindi makakagraduate on time, but I know in time. :)
Well, i know this is the time na mas madalas na akong inaasar or what, ang daming nagtatanong at madami din ang naguguluhan. Ano pa nga ba magagawa ko eh andito na to. Ewan ko, pero naisip din kaya ng mga tao na nalulungkot din ako, na sana andun ako sa Baccalaureate Mass sa friday, wala na akong exams next week, at graduation na next2 week. Sadya nga bang matatag lang ako at hindi ko na iniisip ang mga bagay na to. Ngayon lang nagssink-in sa akin ang lahat.
Ginagawa ko nalang biro ang lahat. Tinatawanan ang bawat asar at bawat pintas na inaabot ko. Nakangiti man ako, pero nung una nasasaktan din, ewan ko ba at medyo naging manhid na din ako sa bawat asar na naririnig ko.
Hindi ako makatulog. Iniisip kung bakit ako pa ang binigyan ng ganitong case. Sana pala noong una palang hindi na ako nakinig sa magulang ko, tumuloy nalang ako sa gusto kong course. Ang masakit din kasi, nasstereotype kaming mga delayed students. Hindi naman kami tanga kung tutuusin, may mga bagay lang talaga na dapat isaalang-alang. Sadyang nagkamali lang ako sa desisyon, excuse man pero totoo. Nakakasawa na marinig na sabihin ng mga tao na "pumasa ka naman!". Parang tingin mo ba ayoko pumasa?! tss.
Walang taong gugustuhin ang madelay, kung alam mo naman na kakayanin mo makagraduate in time, pero sadyang hindi ko pa panahon, hindi ko pa panahon. May dahilan ang lahat.
Naisip ko naman, bata pa naman ako kung tutuusin, accelerated at wala pa talaga sa tamang edad. Mauna man sila sa graduation, alam ko mauunahan ko naman sila maging stable at malay natin maging successful sa buhay. :D