Saturday, October 17, 2009

Sa Bingit ng Isang Paalam

Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin at hindi ko din alam kung ano ang dapat sabihin. Nakatulala lang ako at naghihintay ng pagkakataon na makapagpaliwanag, pero hanggang ngayon hindi ko pa din alam ang sasabihin ko kung sakali mang magkaroon ng pagkakataon na makapagusap.

"isang paalam" ito lang pala ang katapat ng lahat. Ang dalawang taong paglalakbay ay napahinto lang ng ilang salitang binitiwan. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang mapatagal ang lahat, may problema na pala pero hindi pa sinasabi. Pero oo nga pala, hindi nga pala talaga kami di ba? sino ako para magreklamo sa bagay-bagay.

Hindi ba't dapat sa isang relasyon, hindi lang isa ang may problema? hindi lang din isa ang tama, sabi nga sa One More Chance "it takes two grown-ups to make a relationship work".

Ang masakit, bakit hindi kayang maghintay, bakit hindi kayang makinig, bakit hindi kayang umintindi. Sa panahon ng pinakakailangan ko ng pag-unawa, tsaka pa bumitaw. Alam kong madami akong pagkukulang pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangang yumakap sa iba para lang maibsan ang lamig na nadarama. Kaya ngayon hindi ko alam kung saan at papaano ang gagawin, dahil masyadong nabigla ang lahat.

Kailan kaya ang pagkakataon na makapagusap dahil sa ngayon tayo'y tila nasa bingit pa rin ng isang paalam.



Kailangan nating isiping lubos
Ano nga bang ating dahilan?
Sa’n nga ba tayo nakatuon?
Kay rami nang mga nagdaan

Sa isang paalam lamang ba lahat magtatapos?

- Sa Bingit ng Isang Paalam, Spongecola







No comments:

Post a Comment