
Sadyang bulag at nagmamaang-maangan lang siguro ako nang hindi ko pansinin ang totoong nangyayari. Kumakapit pa at umaasang maaayos ang lahat kahit alam mong hindi na talaga pwede.
Tumatakas ako sa mundo, para hindi niya hanapin ang dapat ay huling yugto na magsasabi ng mga kasagutan. Hinihintay na lamang ang bawat salitang bibitawan ko, takot ako magkamali, takot akong makagawa ng hindi tama dahil isang pagkakamali na lang, wala na ang dalawang taon kong pinaghirapan. Ako naman si tanga, umasa, binitawan mo na pala ako noon pa lang.
Manhid na siguro ako kaya hindi ako makaiyak ng kahit isang luha, tulog na nga ba ang puso kong umaasa pa na maaayos ang lahat? Ayoko na.
Bakit ganun?
You've always been there during my best - JUST during my best. Nasaan ka nung nangailangan ako? nasaan ka ngayong naguguluhan at nahihirapan ako? Habang nanlulumo ako sa huling yugtong aking isusulat, ikaw nama'y humahawak sa kamay ng iba, nagpapakasaya kasama ng iba. Ganun na lamang ba ako para ipagpalit ng kay bilis?
Sigh. Ewan.
Ilang araw nalang ay matatapos ko na ang huling yugto.
Sisimulan ko na ang pagbibilang ng 3-Months na hindi mo man lang naisip.
Matapos ang aklat na ito, ipapakita ko sa mundo ang lahat ng inakala mong hindi ko kaya.