Kaninang umaga, nagmamadali ako para pumasok sa klase, malapit na akong umalis ng mapansin ko ang orasan sa cellphone ko, mga 10:35 na, late na ako. Pumasok ako sa aking kuwarto at nagsapatos, nag-ayos ng gamit at paglabas ko.. ngunit paglabas ko, 10:35 ang nakita ko sa orasan sa sala namin. Nagtanong ako kung anong oras na, at nalaman-laman ko, sira pala yung orasan - wala ng baterya.
March 2011 or October 2011? basta 2011 - pero hindi ba dapat 2010?. Hindi dahil sa hinahabol ko ang Quadricentennial Batch ng UST pero talagang eto na ang kinahantungan ko. Hinahabol ko na ang oras, ang oras na dapat na minsa'y naunahan ko. Nagskip ako ng kinder, kaya naging bata ako sa batch na kinalakihan ko, madalas ako pa ang pinakabata sa klase, pero sa nangyari sakin, binawian din ako at sadyang pumantay ang panahon. Kung hindi ako nagkabagsak, suguro ay 2010 ako ggraduate, pero ngayon, isa or dalawang taon pa ang kailangan ko para makatapos.
Nakakainggit isipin na yung mga kasabayan ko dapat may Graduation Picture na, nakapagattend na ng CarSem (Career Seminar) at ramdam na ramdam ang malapit na pagtatapos sa kolehiyo, habang ako, namumuroblema pa din kung papaano mapapadali ang pagtatapos sa loob ng dalawang taon. Dati pa ay proud ako sabihin na ako ang pinakabata sa batch namin, ako ang pinakabata sa barkada. Sadyang mapaglaro lang talaga ang panahon. iba na ang mga tao sa paligid sa mga taong kinalakihan ko. - Napagiwanan na ata ako ng panahon.
Pero naiisip ko din na pag siguro dumating ang tamang panahon para sa akin, maibabalik din ang mga samahan na naipagpaliban dahil sa pag-aaral, magiging maayos na ang lahat at kaya ko nang paglaruan ang oras, ako naman ang babanat, ako ang magsusumikap para maunahan ang mga kasabayan at bumalik sa karera ng panahon.
"Minsan ay pinaglalaruan natin ang oras, kaya kung minsan tayo naman ang pinaglalaruan ng oras."
- mikagiyasuo02

Photo source [http://farnk05.deviantart.com/art/clock-52988719]
No comments:
Post a Comment