Last Month, may nanghula sa akin from SOCC, sa 15mins session na yun, ang daming tumatak sa mga sinabi niya, nahulaan niya na complicated ang estado ng lovelife ko, hilig ko sa photography, nature and computers, ang pagiging adventurous at friendly, pati favorite color ko na both blue and green. Pero ang tumatak sa akin ay ang ilang beses niyang inuulit na, "Malawak ang Pag-unawa mo..."
Hindi ko alam pero sinasabi niya na may kinalaman ang pagunawa ko sa mga tao at sitwasyon sa paligid ko. Oo, ako yung tao na tumitingin sa iba't ibang perspective, natutunan ko ang pagiisip na ito nung highschool kung saan bawat isyu ng buhay ay maaaring tingnan sa iba't ibang direksyon. Hindi ko rin masasabi na mature na ako ngayon mag-isip, college palang ako, kung baga, madami pa akong kakaining bigas.
Ang nakapagtataka, naiintindihan ko naman, pero hanggang doon nalang ba? paano kung minsan wala ako magawa dahil ang masaklap ay hindi ko nauunawaan ang sarili ko. Papaano ko ipapaunawa sa pamilya ko ang sitwasyon ko lalo na't hindi nila kilala ang tunay na ako., maging sa mga bagong kaibigan na hindi pa nakakakilala sa akin. Papaano nga kaya?
Mahirap din kung minsan sa sitwasyon ko, kadalasan ako ang nagsasacrifice para lang maayos ang lahat, ako na ang nag-aadjust, ako ang nangangarap para sa iba, at ang masaklap, ako ang gumagawa para sa iba. Sabi nga ni Kiel, ang mahirap sa akin ay masyado akong mabait. Naisip ko tuloy, papaano kapag lumayo ako at nagbakasyon kahit isang linggo lang, hindi ako magpaparamdam. Papaano pag ako naman ang nagpakaimmature? Ano kaya ang mangyayari?
Minsan naisip ko, papaano kung ako naman ang humiling ng pag-unawa? Mauunawaan kaya nila ang nais kong iparating?
Magulo ba? pero kahit anong gulo nito, hindi dapat iwasan ang mga tanong at bagay-bagay dahil ito minsan ang nagsisilbing sagot sa susunod na tanong sa buhay.
"to understand is mature, to complicate is normal, and to ignore is foolish."
- mikagiyasuo02